Ang Tangi kong Pag-ibig
Ang Tangi kong Pag-ibig
ay minsan lamang
ngunit ang iyong akala
ay hindi tunay
hindi ka lilimutin
magpakailan pa man
habang ako ay narito
at may buhay
Malasin mo't nagtitiis
nang kalungkutan
ang puso kong unti-unti
na pumapanaw
wari ko ba sinta
ako'y mamamatay
kundi ikaw ang kapiling
habambuhay
No comments:
Post a Comment