kay lungkot nitong hatinggabi
wala man lang kahit isang bituin
nawala rin ang buwan
kaya ngayon akoy lubhang nahihimbing.... giliw
kahit na walang tanglaw sinta
ang palad ko sa gitna ng dilim
manungaw ka't ang buhay koy
kusang magniningning
nagsusumamo ang puso ko paraluman
nakikiusap sa iyong pagmamahal
hindi mo man pinapansin ang panambitan
pagibig koy ikaw pa rin kailan pa man hirang
maawa ka na sinta
sa pusong walang aliw
pangarap ko ay ikaw
sa paggiliw
kagit na walang tanglaw sinta
ang palad ko sa gitna ng dilim
manungaw ka't ang buhay koy
kusang magniningning
No comments:
Post a Comment